Ang “Teks”

Ang “Teks”, ay gawa sa may di naman kanipisan o kakapalan na karton, na kung saan may naka-imprenta na mga imahe ng kahit anong uso sa kalakaran ng television media. Dati, noong una pa, ang teks noon ay tila maliit na piraso ng comics strip na kung saan puro mga pelikula ang tampok (gaya ng; “isprikitik: walastik kung pumitik” at “tik tak toys: my kulokulotoys”).

 

Teks

Ang imahe ay ang aking naipong mga Teks simula nung ako ay nasa elementarya pa lamang hanggang mag-highschool. di ko alam kung bakit ko inipon yan, pero di ko pinagsisisihan dahil madaming bagay at mga aral ng buhay ang naipapaalaala ng mga basurang karton na yan sa akin sa tuwing nakikita ko ang mga yan ngayon.

Ang Teks ay isa sa mga laruan ko nung ako ay batang musmos pa lamang, at ito ay aking lahok para sa photo-blog category ng Saranggola blog awards 3.

 

Walang katulad na akda.

  1. Ella says:

    Wow!! Nakakainggit naman yang dami ng teks mo. Haha those were the days. Naglalaro rin ako nya. Pero kinoconfiscate ko na ngayon mga “pogs” sa mga estudyante ko. Hehe.

  2. khanto says:

    nice…. naaalala ko yang teks days na talagang sikat.

    yung akin noon inanay. hahahaha

  3. Biboy says:

    Nice :) Naalala ko rin nunng bata ako, ang hilig kong maglaro ng teks noon… hehe

    Good luck sa ating lahat :) Ito entry ko :)
    Adobo Photoshop

  4. nikki says:

    Ako rin may ganyan karaming teks nung bata pa ako :)

Leave a Reply

CommentLuv badge