Dati, noon, wala akong kahit na katiting na interes sa mga cellphone-cellphone na yan, lalo na nung elementary ako. Kahit naman na nung high-school ako, mas nakahiligan ko pa nun ang magbasa ng libro o di kaya, ang maglaro ng mga video games. Sa edad kong yun, ni hindi ko inasam na ibili ako nila mama ng sarili kong cellphone, alam ko din naman na di nila ako kayang ibili. Naging kuntento na ako sa paghiram-hiram sa mga cellphone nila mama at nung mga tita ko. Kahit na yung mga simpleng laro na may simpleng presentasyon lang ay alam kong nakatulong na din sa pagpatay ko ng bagot nung mga panahong yun. Pero, hindi yun nagging sapat para sabihin ko sa sarili ko, na kailangan ko ng cellphone.
Hindi ko naman yata talaga kailangan ng cellphone, di naman ako malayo sa pamilya ko, araw-araw naman kami nagkikita-kita at nagsasama-sama. Sabi pa nila, pag-college ko na lang daw ako mag-cellphone, kasi daw sila, nung panahon nila, hindi din daw silia nag-cellphone ng ganung edad, nung nagkatrabaho na lang sila nagka-cellphone. Ganun naman lagi sila, laging naikukumpara yung estado ng edad ng dalawang magkaibang henerasyon.
Nung high-school ako, kuntento na ako sa paghiram-hiram na lang sa cellphone ng kaklase ko. Ang gaganda kasi ng mga cellphone nila, mga colored, may internet at nadodownloadan ng madaming magagandang games. Pinaka paborito ko noon yung Nokia N70 na puti ng kaklase kong babae, lagi ko yung hinihiram, lagi naman nya ako pinapahiram. Yun na yata ang pinaka-magandang cellphone noon. Dahil doon, lagi kaming magkasama nung maituturing ko na na bestfriend ko. Kami lang kasi ang nagkakaintindihan pagdating sa mga kung anu-anong pagbubutingting sa cellphone.
Nung nag-college na ako, ako na lang yata ang hindi nagcecellphone. Naalala ko pa, na hinihiram ko lang lagi yung cellphone ni mama, para maka-text yung sabihin na lang natin na, natuto na din pala akong umibig noon. Yung feeling na, may sim card ka, pero wala kang cellphone. Hahah.
Hindi pa din pala kami nagka-hiwalay ng landas ni N70. Yung kaklase ko kasi, may ganun din na cellphone, masaya kami pag ginagamit naming yun. Parang kami lang ulit nung bestfriend ko. Mas madami na kaming nagagawa, nadodownload at nalalaro noon.
Dun na nabuo sa isip ko na gusto ko na din yatang magka-cellphone ng sarili ko, at kung magkaka-cellphone man ako, gusto ko yung N70 na din. Tapos, dumating na lang yung time na, naibili na ako nila Mama ng cellphone na gusto ko, syempre galling yun sa 1-sem na allowance ko sa scholarship ko. Ang saya-saya ko nung araw na yon.
Dahil sa Nokia N70 na yun, madaming nabago sa buhay ko. Sa buhay namin.
Kagaya din naman ako ng ibang anak na may ilang mga bagay pa din na medyo hindi madaling sabihin sa magulang, salamat na lang at load lang ang kailangan ko para masabi yun. Kahit na nandito lang ako sa kwarto ko sa taas, at sila Mama at Papa naman e nasa baba lang. Ganun ako eh, minsan.
Ayos nga talaga kasi yung cellphone na to, nakakapag-internet din. Kaya yung mga kapatid ko, kapag may assignment sila, sakin sila lumalapit at nagpapa-search. Wala pa kasi kaming computer noon. Syempre, tulad nga ng sinabi ko, dahil mas matino ng konte ang mga laro sa N70, madalas din namin itong pinaglalaruan. Di naman namin pinag aawayan dahil hindi ko rin naman ito pinagdadamot sa kanila. Higit sa lahat, ang pinakang paborito kong ginagawa namin ay yung piktyur-piktyur. Lalo na si Teta, ang bunso naming kapatid, mahilig pa naman yun magpa-picture, ngayon nga e, mas gusto na nya pa-video, videohan daw yung pagkanta nya. Isang yaya ko lang sa mga kapatid ko na magpicture picture kame, game naman agad sila.
Totoo pala na napakahirap manligaw kung wala kang cellphone. Hahah. Nung panahong yun yata yung era na uso pa yung textmates eh, di ko lang alam kung hanggang ngayon pa din. Dati kasi, pag magkatext kayo ng kahit na sino, ang dali-dali makipag-usap. Iba pa din, parang yun yung stepping stones kumbaga, ika nga “sa text nagsisimula”. Basta ako, masaya na din naman sa buhay pag-ibig ko ngayon, oo gawa nga ng cellphone ko. Kahit malayo ka’mi sa isa’t isa kada weekend o walang pasok, hindi din naman yun problema kasi nga palagi naman kaming may komunikasyon, salamat sa unli-promos ng Globe.
Di mo naman kailangan ng cellphone para makahanap ka ng mga ka-tropa, kaibigan. Madali lang naman, andyan lang naman yang cellphone o para i-maintain yun, patibayin at palaguin. Pano? Madami. Kahit na pare-pareho kaming mga lalaki, dati madalas pa din kaming nagkaka-teks teks para mag-usap ng tungkol sa kung anu-ano. Madalas din kami mag-share ng kung anu-ano, from files, games at kahit ano na maaring i-share. Bonding moments din namin ang gumawa ng mga kalokohan videos, tapos i-uupload sa youtube o facebook, ang saya lang. Ganun ang barkada ko.
Basta, sa dami-dami ng nangyari sa buhay ko, sa loob ng mga panahong yun, kahit na yung mga bagay na mas pinili ko na lang itago at hindi na i-blog, lahat yun, may naging part ang Nokia N70 ko. Camera, laruan, music player, pang-text, pang-internet, pang-libang, pampa-saya; sa lahat na ata ng pagkakataon, hindi nawalan ng ganap yung cellphone ko.
Halos apat na taon na sa akin itong cellphone ko na to, yung box, nakatago pa sa aparador. Sa dami ng mga bagong unit na naglalabasan, hindi ko naman na maiwasan na asamin ang magkaron ng mga yon. Pero kung may mag-alok sakin ba, na isa-swap yung luma kong N70 sa isang makabagong unit ng libre, hinding-hindi ako magdadalawang isip, baka tanggihan ko din yon malamang.
Ilang beses na bumagsak yun eh, matibay yata talaga. Parang ako,madami na ding ibat-ibang hamon ng buhay ang nakaharap, bumangon, heto at patuloy pa din nabubuhay at nakakonekta sa kanila, pinatibay na din ng mga karanasan ko, at yung Nokia N70 na yun, ang nagpapa-alaala sakin nun, hinding hindi matutumbasan ng kahit anong bagong kapalit, ang mga alaala at aral ng buhay na aking natamo, kasama ang aking kauna-unahang cellphone, ang Nokia N70 ko. Yun naman ang tunay na kayamanan eh, kayamanan na hinding hindi mai-snatch o maho-holdap sayo.
Kaya nga kahit Nokia N70 lang ang cellphone ko, hindi ako maiinggit sayo o kahit na kanino.
Ito ay aking lahok para sa:
Walang katulad na akda.















Nice…hahaha sobrang nakakarelate ako dito kasi halos pareho tayo ng storya… N70 din ako mag-3 years na sakin to tibay nga eh.
)
salamatsa komento ser nadz! naka-relate ka pala. hihi.
2 years nako nagtatrabaho nung una akong magkacelphone ayaw ko pa nga eh hehe kelangan din pala
heheh tama. kelangan talaga ang phone sa buhay. hahahah
lmao,astig,,, N70 din kasi cellphone ko ehh,,for sure nakakarelate ang mga may N70 dito,,:)s60v2 the BEST
heheh. oo nga.
salamat ka-N70! \m/
Naks. nakarelate naman ako dun dude. Bago kaya ako napalit e n70 din ang phone ko for fours years at im proud to say na buhay pa din ang n70 ko at nasa akin pa. goodluck dre sa entry mo!
heheh salamat pre sa comment.
inggit nga ko sayo eh, dami mo na new phones. hahah sana ako din magkaron na ng replacement yun N70 ko. LOL
mga bro aq dn preprehas lng tau, un n70 q since 2005 p pro hnggng ngyn gmit q p. . Astig tlga n70 kht ilang taon p ang lumipas d q 2 pgp2lit dhl d2 mrmi aq ntu2nan at d2 q nmulat s techworld. . Lolz
mabuti naman at nakatulong sa yo at sa pamilya … maganda nga yang model na yan
carnation recently posted..can’t do w/out