“Ano, tara na ba?” tanong ko kay tita, habang nagduduyan sya hawak ang maganda nitong cellphone, tila nag iintay ng tawag.
“Wala pa e, di pa tumatawag, maya maya pa siguro.” sagot naman nya.
Bihis na ako nun. Tapos sila, pati yung mga pinsan ko na iba, hindi pa paligo. Nauna pa ako, nagmukha tuloy na mas eksayted pa ako kesa sa kanila. Hindi naman talaga, ayaw ko lang maiwanan. Di ko naman akalain na madedelay ang pag alis namin.
Ano na naman kaya ang bagong laruan ng mga pinsan ko? Yung last time e, PS2, inanod lang ni Ondoy. Sana binigay na lang sakin, gustung gusto ko magkaron nun e, tiyak ko na aalagaan ko pa yun. Ngayon yata, PSP naman, pano ko hindi malalaman, e bukambibig na ng mga batang pinsan ko yun. Yun daw PSP ng kaklase nya e may GTA at Dragon Ball, pwede daw magconnect kaya silang dalawa din daw e magko-connect gamit ang tig-isang PSP nila.
Umalis na kami. Sakay ng inarkilang van ata yun o fx, ay fortuner ata. Di ko sigurado, basta yun na yun. Madami kami, madami ding pagkain na dala. Mukha ngang wala na atang mauupuan yung susunduin e, pati yung mga bagahe at pasalubong, parang wala ng paglalagyan. Sabit na lang daw kame pag uwe, biro nila.
Iba ngayon, papagabi na kase kami umalis. Hindi mausok at mainit, presko kaya parang wala lang. Tila hindi napatid ang ingay sa loob ng sasakyan, ganun pala talaga pag nakakaramdam ng pananabik.
**************************************
Yung isa ko pang Tito na umuwi nung patapos ng Pebrero lang galing Libya, e wala namang pasalubong. Expected na yun, mas mahalaga daw e ligtas naman. Pero may pera naman din kahit papaano yata, nakabili ng bagong Laptop e. Nagpaturo sa amin kung paano ba mag-facebook, mag-email at makipag-chat. Karpintero kasi si Tito at hayskul lang ang natapos, pero nakapag abroad sya, kaya wala sya masyadong alam sa computer.
Sabi nila, para daw may napagkakalibangan si Tito dito, habang nag iintay ng kasunod na trabaho, kaya bumili ng laptop. Turuan daw sya. Ako pa nga yung pinapaghanap nya ng mga trabaho e, submit na lang kami ng submit ng resume online para sa nasaktuhan at natipuhang job offer buti na lang magaling ang internet, at syempre magaling ako.
Kung si Itay siguro, OFW, matagal na siguro akong may sarili kong laptop, maganda pa.
*************************************
Nakadating na din kami sa airport.
Maghahating-gabi na yun. May pagkakapare-pareho ng iginuguhit na mukha ang mga kumpulan ng pamilya sa may Arrival Area. Pananabik. Basta ang alam nila, uuwi na si tatay nila, si ate, si kuya, si nanay, o kahit na sino sa kamag-anakan nila, galing abroad.
Wala ng pakialam kahit mapuyat. Maski mga bata e tila hindi na alam kung ano ba ang gabi.
Walang paggalaw yung mga tao. Pero sa tuwing dadating yung oras na naka-paskil dun sa electronic board, dun na nagsisimulang magsitayuan yung mga nakaupo at nakahiga sa mga bench. Nandyan na, dumating na.
Kung si Itay siguro, OFW, ganun din kami. Si inay ang pinakasabik, lalo na sa mga yakap at halik ni itay. Pati ang mga kapatid ko na matagal naghintay para sa mga pasalubong. May PS2 at PSP na din siguro kami. Nakapag-aral sana ako sa magandang eskwelahan sa Maynila. Magsasawa sa tsokolate. Maganda ang bahay. Laging puno ang ref. Masaya.
Nakakainggit.
Pero tama ba talagang mainggit ako?
Dati ko pa tong naiisip eh. Inggit na inggit ako sa iba na may mga nanay, tatay o kapatid sa ibang bansa. Kasi sila, meron sila nung mga bagay na gusto ko.
Hindi sila kapos, sa mga materyal na pangagailangan.
Yan yung nasa isip ko nung bata pa ako. Bata pa nga talaga ako noon.
Yung mga pamilya na laging may natatanggap na mga padala, may mga pasalubong, akala ko sila na yung dapat kainggitan. Mali pala. Mali palang mainggit sa mga pamilyang naiwanan ng kamag-anak para lang sumugal sa paghahanap ng ikakatiwasay ng buhay. Dun nga sila napadpad, sa malayong ibayo; sa ibang bansa.
Kung tutuusin, maswerte pa din pala talaga ako kasi nandito lang sina itay at inay. Nandito lang lahat kami, magkakasama. Kahit na minsan walang maiulam, nagkakasama-sama naman sa hapag. Bawas din ang pag aalala, dahil alam mong nandyan din lang yung isa’t isa.
Dito ko simulang narealize kung gaano ba talaga yung hirap din ng sitwasyon ng ating mga kababayang OFW, pati na din ang pamilya nila. Nabubulagan tayo sa kung anung meron sila, hindi natin agad nakikita yung mga nawala sa kanila simula nung tinahak nila ang landas ng pagiging isang expat at pamilyang may ofw.
Pera. Pera lang naman yata talaga ang dahilan kung bakit kinakailangan nila maging OFW. Kasi nandun yung pera, nandun yung mas madaling ginhawa para sa kanila at sa pamilya na din nila.
Pero kung sisiyasatin nating maigi, at bubuksan ang ating pangunawa sa lahat ng anggulo, hindi naman basta sa pera lang nag-ugat ang kagustuhan nila maging manggagawang Pilipino abroad. Alam mo kung ano? Pagmamahal.
Pagmamahal nila sa pamilya nila. E mahal kasi nila, mahirap man, kailangan lang talaga. Iniisip lang yung magiging kalagayan ng pamilya nila. Magsasakripisyo, magtitiis at susugal. Lahat yan, ng dahil sa pagmamahal.
Sa simula pa lang, mula sa departure area nagsisimula ang naka-maletang pagbabago. Hanggang sa ikahon na ito sa isang balikbayan box at dumaan ng muli ng arrival area. Saan man makarating, ano man ang narating, basta Pinoy Expat, isa lang naman ang hindi nagbabago. Yung “close family ties”, hinding-hindi ko ikakahiya na Pinoy ako.
Kung OFW si itay, malamang lagi syang tatanungin ng bunso namin ng “‘tay, kelan ka uuwi?”, ganun na din malamang kami.
Kung OFW si itay, hindi ako magsasawang iparating ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit sa skype, malamang ay laging may pahabol na “‘tay, ingat din po kayo jan. I love you po” sa hulihan ng aming mga minsanang pag-uusap.
Kung OFW si itay, lalo akong magiging isang proud na anak. Ipagmamalaki ko si itay, kasi alam kong mahal na mahal nya kami at isa syang bayani ng aking itatangi sa habang-panahon.
Kaso, hindi e. Kaya kayo nalang ang mga gumawa nyan. Uuwi din naman siya eh.
Ito ay pakikibahagi para sa taunang Pinoy Expats / OFW Blog Awards. Ang tema para sa taong ito: “Ako’y Magbabalik, Hatid Ko’y Pagbabago”
Walang katulad na akda.










Salamat sa pagsali mo sa PEBA Ian, na touch ako ha, mahirap malayo sa pamilya.
God Bless and Good Luck!
maraming salamat po ser kiko.^^
Thank you for joining PEBA 2011 “OFW-Supporter Division”
Please visit your Facebook Profile here
Tell your FB friends to like your profile!
Once Again Thank you!
Ang hirap naman talga pag yung nanay at tatay mo sa ibang bansa , nakakadepress siguro talga
kaya nga eh. maswerte pa din tayo.
Labis kitang ipinagmamalaki dahil ipinamalas mong muli ang iyong kahusayan.
Manalo man o hindi, hindi, ipagmamalaki pa rin kita.
waw anon! perstaym ko to. salamat po.
| di ko lang mahulaan kung sino ka. LOL clue naman. heheh
Isa na rin ako sa mga avid fan mo kuya… hehe…. ang galing niyo ho talaga mag sulat….maraming gustong maging kagaya niyo… at isa na ako don… hehe… kaya nga na gaya ko yong Theme niyo eh…. yong sa Magazine Basic… hehe… Theme lang naman…. maganda kasi pag kayo pumili…. hehe…
RPADagoyo recently posted..Kaya mo Yan
ui maraming salamat po!
heheh ayos lang naman kahit gumaya ng themes, di naman masama. enjoy enjoy lang tayo pagbblog. \m/
Ian Tamad recently posted..An Assignment on Research, to Research.
wow galing! ito panalo para sa akin

nanardxz recently posted..Who will be the first Mr.& Ms. Teen South Cotabato?
hehehe maraming salamat po. \m/
Peace!
Oct 6, instant nang bumlik ang wap s cp q s 2long ng tropa,salamat s kanila at mula ng mkpgWap aq ulit eh nkita q s progm ng opera mini ung “ask hideki” iniCq q japanese now q lng nlman n pilipino dn paya q.nkkatuwa!
Kaya aq njrting d2 s site po nyo.humanga’t bumilib aq s yo s kwnto ng n70 to 1st laptop…excellente! Nkkgalak ang iba mo pang success stories. Suportahan kita at ikampanya q mga entries mo at subaybayan q ang pagsulong mo.
Magandang entry nppanhon at patuloy n dumrmi ngwowork s ibang bansa.mlaking bhagi ang kwento mo.good luck!
‘nice one boi..huling huli mo talaga ung pakiramdam ng may kamag-anak na ofw..naisip ko tuloy sana hindi nalang huminto ang daddy ko sa pag aabroad nya..hay
Helo! Wapsite owner din aq pero hndi na active, pero gus2 kong makatulong sa pagpapalaganap ng mga articles mo. Naipost q na sa fb q ang mga linkz mo. Gud luk!
awts. -nasabi na ng colloquial exp. na yan lahat
kung sa antas ng kasiyahan, sa buong mundo rank 1 na talaga ung buo ang pamilya. iba ang talaga ang blood-related-pips around you!:-)
[...] pa yung sinulat ko dati, para sa PEBA, yung “Pano kaya kung OFW si Itay?” sa isang online magazine, ng mga OFW [...]